-- Advertisements --

Ipinagpipilitan pa rin ng Russia na hindi nila nilusob ang Ukraine.

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, na isang special military operatons ang kanilang idineklara sa Ukraine.

Ito lamang kasi ang tanging paraan para maipaliwanag sa mga Wetern countries na isang uri ng krimen ang ginagawa nilang panghihikayat na sumanib sa kanila ang Ukraine.

Iginiit pa nito na may mga Nazi- sa Ukraine at kaya nila nilusob ang Ukraine para matanggal ang mga Nazi.

Ikinalungkot nito na nagagamit ang United Nations para maiparating ang mga fake news na ipinapakalat ng mga Western countries.