-- Advertisements --
Pumayag ang Russia na ibalik ang apat na batang Ukrainian sa kanilang mga pamilya.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng kasunduan na pinangunahan ng Qatar.
Pinakabatang edad ng bata ay ang dalawang taong gulang habang ang pinakamatanda ay edad 17.
Ayon sa Ukraine na mayroong 20,000 mga bata ang dinukot ng Russia mula ng lumusob sila noong Pebrero 2022.
Dahil sa nasabing insidente ay kinasuhan ng International Criminal Court si Russian President Vladimir Putin.