Hindi dadalo ang diplomat ng Russia sa UN Security Council meeting kasama ang Political and Security Committee (PSC) ng European Union ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 4 na isang sinyales ng lalong pagkakaroon ng lamat sa relasyon sa pagitan ng Moscow at ng United Nation partners nito.
Ayon sa sa Russian diplomatic source, ang desisyong ito ng Moscow ay may kinalaman sa nangyayaring giyera sa Ukraine.
Ang annual informal meeting ngayong araw sa pagitan ng UN Security Council at PSC ay inaasahang nakapokus sa pagtugon sa interaction ng EU kasama ang UN sa mga bansang kung saan nagsasagawa ng mga operasyon ang parehong organisasyon.
Una rito, ang Russia na isa sa limang permanent members sa Security Council ay napatalsik mula sa ilang UN organizations katulad ng human rights council.
Ito ay dahil sa alegasyon war crimes ng Russia sa Ukraine partikular na sa Bucha kung saan nadiskubre ang massive graves ng mga napatay na sibilyan dahil sa brutal na pag-atake ng Russian forces.