-- Advertisements --

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Russian government ang pinakasanhi ng pagbagsak ng eroplano na lulan ni Wagner mercenary group chief Yevgeny Prigozhin.

Sinabi ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na wala pa silang natatanggap na pinal na ulat sa sanhi ng kamatayan ni Prigozhin.

Pinagtatakahan lamang nito kung saan nakuha ni Russian President Vladimir Putin ang impormasyon na isang uri ng internal attack ang nasabing insidente.

Magugunitang noong Agosto ay bumagsak ang eroplano kung saan nakasakay ang mercenary group leader.

Una ng sinabi ng Ukraine at US na ang Russia ang nasa likod ng nasabing pagpapabagsak ng eroplano ni Prigozhin dahil sa ginawa nitong bigong pagsasagawa ng kudeta.