-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Ruffa Gutierrez ang pagtatapos nito sa kolehiyo.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng video ng kaniyang graduation ceremony sa Philippine Women’s University (PWU).

Binati rn nito ang kaniyang kapwa graduates sa nasabing unibersidad.

Nagtapos ang actress ng bachelor’s degree in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Dagdag pa nito na nais niyang maging inspirasyon sa kaniyang anak at ibang tao k ung saan hindi aniya hadlang edad para makapagtapos sa pag-aaral.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa nitong artista.