-- Advertisements --

Handang sampahan ng kaso ni Ruffa Gutierrez ang mga nagpapakalat ng fake news na pinalayas niya umano ang kaniyang mga katulong ng hindi pinapasahod.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Bryant Casiw, na walang katutuhanan ang nasabing lumabas na balita na pinalayas at hindi binayaran ang dalawa nitong katulong.

Mula pa aniya noong Hulyo 7 ay pinalayas na nito ang mga katulong dahil sa hindi na nila ito makontrol ang kanilang galit.

Malinaw din aniya na tila nilabag ng mga kasambahay ng actress ang nilalaman ng pinirmahan nilang kontrata.

Inilalagay nito aniya sa mga kapahamakan ang kaniyang mga amo.