Posibleng sasamantalahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa enthronement ceremony ng bagong Japanese emperor para personal na ipaabot ang pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Hagibis sa Japan kamakailan.
Sa nasabing bagyo, ilang buhay ang nasawi habang maraming bahay at istruktura ang nasira sa malakas na hangin at pagbaha.
Samantala, kabilang sa mga world leaders at royalties na makakasama ni Pangulong Duterte sa okasyon sa Imperial House Britain Prince Charles, US Transportation Secretary Elaine Chao, Chinese Vice President Wang Qishan at South Korean Prime Minister Lee Nak-yon.
Nasa guest list din sina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy, Brazilian President Jair Bolsonaro at Myanmar leader, Nobel laureate Aung San Suu Kyi.
Matapos ang enthronement, magkakaroon ng court banquet sa Imperial House na dadaluhan ng mga foreign dignitaries at representatives ng Japan executive, legislative and judicial branches.
Magbibigay din ng tea party sina Emperor Naruhito at Empress Masako sa mga foreign royalty ngayong hapon.
Mamayang gabi, pangungunahan naman ni Japanese Prime Minister Abe ang isang banquet para sa 900 foreign leaders kasama si Pangulong Duterte sa Hotel New Otani.