-- Advertisements --

Ihahain muli ni Senator Ronald “Bato’ Dela Rosa ang panukalang batas na mandatory Reserve Officers’ Training Corps sa 19th Congress sa oras na magbukas ito sa July 25 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Senador, kaniyang muling ihahain ang panukala nito sa 18th Congress noon subalit inihayag din nito na bukas siya sa magiging bersyon ng panukala ni incoming Education Secretary at VP-elect Sara Duterte Carpio kaugnay sa ROTC.

Sa ilalim ng proposal ni Dela Rosa, ang mandatory ROTC program ay isasama sa asignatura ng mga Grade 11 at Grade 12 sa public at private schools. magiging available din ang advanced ROTC sa unang dalawang taon sa higher education para sa mga nais na maging officers.

Ayon sa Senador, ang kaniyang ROTC bill ay isang mild version kumpara sa mandatory 2-year military service na panukala ni VP-elect Sara.

Sa kasalukuyan ang military service sa Pilipinas ay boluntaryo subalit nakasaad sa Article 2, Section 4 ng 1987 Constitution, posibleng magpatupad ng concription o ang maaring ipatawag ng pamahalaan ang mga mamamayan para depensahan ang State at lahat ay posibleng imandato na mag-render ng personal military o civil service na nakapaloob sa kondisyon sa ilalim ng batas.

Nauna na ring nagpahayag ang Commission on Higher Eduvation (CHED) na bukas ito sa panukalang gawing mandatory education attainment ang ROTC subalit kaialngan na maging bahagi ng naturang programa anf pagkakaroon ng isang disaster response training.