-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinayagan ng Philippine Coast Guard na dumaong sa Dumangas Port sa Iloilo ang Tri-Star Roll On-Roll Off vessel na may sakay na mga pasahero mula sa ibang bansa sa gitna ng pinapatumad na border restrictions ng Lalawigan ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dumangas Iloilo Mayor Ronaldo Golez, sinabi nito na tinatayang tatlo o apat na mga pasahero ang sakay ng sabing barko at umano’y residente ng Roxas City, Capiz. 

Ayon kay Golez, nanggaling umano sa bansang Dubai at Egypt ang mga pasahero kung saan mayroong mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ani Golez, kinausap na niya si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. hinggil dito at pinapaliwanag nito ang Philippine Coast Guard-Bacolod at ang shipping company kung bakit pinayagan na makasakay ang mga pasahero at dumaong pa sa Iloilo kahit na mahigpit na ipinapatupad ang border restrictions. 

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang contact tracing at hinahanap ang mga taong nalapitan ng mga nasabing pasahero upang mapasailalim sa quarantine.