-- Advertisements --
Ikinukonsidera ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang modern-day Lapu-Lapu.
Sinabi ito ni Roque sa Mactan, Cebu kasabay ng 500th anniversary ng pagkakapanalo ni Lapu-Lapu laban sa mananakop na si Ferdinand Magellan.
Partikular na tinukoy ni Roque ang pagsisikap ng Duterte administration na magkaroon ng independent foreign policy sa ibang mga bansa.
Ayon kay Roque, ibig-sabihin lamang nito ay walang sinasantong dayuhan at wala ring pinipiling kaibigan si Pangulong Duterte.










