-- Advertisements --
Posibleng maibenta sa halagang $5 milyon ang basketball uniform ng nasawing si Kobe Bryant.
Ayon sa SCP Auctions, sinuot ni Bryant ang purple and gold jersey sa unang taon nito sa Los Angeles Lakers noong 25 taon ang nakakalipas.
Taong 1996 ng pumasok sa NBA si Bryant gamit ang numero otso at apat na laro na ginamit nito kabilang ang dalawang playoff games.
Sa kasalukuyan kasi ay naibenta ang jersey ni Bryant sa halagang $3.69-M na isinuot niya sa regular season.
Mula sa highschool ay agad itong pumasok sa NBA kung saan kabilang siya na makakuha ang Lakers ng limang NBA championships sa 20 seasons nito sa Lakers.
Magugunitang noong 2020 ng bumagsak ang sinakyan nitong helicopter na kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.