Iginagalang ng hanay ng mga party-list sa Kamara ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nag-disqualify sa nominee ng Duterte Youth party-list na si dating National Youth Commission Ronald Cardema.
Ayon kay 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero, na presidente ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), kikilalanin pa rin nila ang Duterte Youth bilang partido na nakakuha ng isang seat sa 18th Congress.
Pero dahil walang supporting documents si Cardema katulad ng Certificate of Proclamation at Oath of Office, ay hindi raw nila ito kikilalanin bilang representative.
Magugunitang dumalo sa ilang okasyon ng PCFI si Cardema.
Pero ayon kay Romero, nagsilbi lang ito bilang observer ng Duterte Youth at hindi bilang opisyal na miyembro ng 18th Congress.