-- Advertisements --
artes

Muling manunungkulan bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Romando Artes sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Ito ay matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pinuno ng nasabing kagawaran.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer in charge Cheloy Garafil, papalitan ni Artes ang kasalukuyang MMDA chairman na si Carlo Dimayuga III na kakaluklok lamang sa pwesto noong buwan ng Agosto.

Bukod dito ay wala nang inilabas pang ibang detalye ang Palasyo ng Malakanyang hinggil sa mga pagbabago sa matataas na pwesto ng naturang ahensya.

Kung maaalala, si Artes ay unang nanungkulan bilang assistant general manager for finance and administration ng MMDA noong May 2021, hanggang sa ito ay ma-promote sa pagiging general manager noong Oktubre 2021, at maging officer-in-charge noong Pebrero 2022, at opisyal na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairperson ng nasabing kagawaran noong buwan ng Marso taong kasalukuyan.