-- Advertisements --
Sinimulan na muli ng legendary band na Rolling Stones ang kanliang “No Filter” concert tour.
Ito ang unang tour nila na hindi kasama ang drummer nilang si Charlie Watts na pumanaw kamakailan.
Nagpalabas sila sa kanilang concert ng mga video tribute sa kanilang long-time drummer.
Mayroon ding mga naka-display na larawan ni Watts sa concert venue na St. Louis, Missori arena.
Bago magsimula ang concert ay isinigaw ang pangalan ni Charlie at doon sinimulan ng members na sina Mick Jagger, Keith Richards at Ron Wood.
Nauna ng nakansela ang 13-date tour ng banda dahi sa COVID-19 pandemic.
Pumanaw si Watts noong Agosto 24, 2021 sa edad na 80 na sinasabing may kaugnayan sa dinanas nitong throat cancer noon pang 2004.