-- Advertisements --
image 25

Muling magpapatupad ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.

Ayon sa mga energy sources, nasa P0.50 hanggang sa P0.80 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P.40 haggang sa P0.60 naman ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Mas malaki ngayon ang bawas sa kada lito ng kerosene na P1.10 hanggang P1.20 kada litro.

Ito na ang ika-limang sunod-sunod na linggo na nagpatupad ang mga oil companies ng oil price rollback.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan o araw ng Martes