-- Advertisements --
Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero.
Base sa trading ngayong lingggo, tintayang magkakaroon ng roll back sa presyo ng gasolina na P0.70 hanggang P0.95 kada litro, sa diesel naman magkakaroon ng tapyas na P0.70 hanggang P0.85 kada litro.
Habang sa kerosene naman ay may rollback na P0.70 hanggang P0.95 kada litro.
Inaasahang opisyal na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad naman ito sa araw ng Martes.