-- Advertisements --

Namayani si Filipino-American at rookie Jalen Green ng talunin ng Houston Rockets ang Los Angeles Lakers sa overtime game 139-130.

Nagtala ng seson-high na 32 points si Green habang ang kapwa nitong rookie na sina Josh Christopher at Aleperen Sengun ay mayroong tig-21 points.

Nasayang naman ang ginawang 23 pointsC, 14 rebounds at 12 assists ni Lebron James habang mayroong 30 points, walong rebound at anim na assists si Russel Westbrook.

Tinambakan naman ng Boston Celtics ang Charlotte Hornets 115-101.

Nangibabaw sa laro si Jayson Tatum na nagtala ng 44 points habang mayroong 15 points si Jaylen Brown at 12 points, siyam na assists si Marcus Smart.

Pinalawig pa ng Milwaukee Bucks sa pang-anim na beses ang kanilang panalo matapos talunin ang Atlanta Hawks 124-115.

Nagbuhos ng kabuuang 43 points at 12 rebounds si Giannis Antetokounmpo habang nag-ambag naman 23 points at 15 rebounds si Bobby Portis at 23 points, walong assists si Khris Middleton.

Nasayang naman ang ginawang 27 points ni Trae Young at 17 points ni D’Andre Hunter para sa Hawks.