-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapaulan ng Russia ng mga rocket sa Ukraine.

Sa pinakahuling rocket attack ay tinamaan ang gas production plant at missile factory sa Dnipro.

Ayon kay Ukraine Prime Minister Prime Minister Denys Shmyhal na tinatarget ng rocket attacks ng Russia ang Dnipro.

Nagtamo ng pinsala ang Pivdenmash factory na siyang gumagawa ng mga missiles.

Umabot rin sa 14 katao kabilang ang mga kabataan ang nasugatan dahil sa insidente.

Nagtamo rin ng pinsala ang state-owned energy firm na Naftogaz mula sa nasabing massive attack.