Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang sambayanang Pilipino na patuloy na isulong ang katotohanan patungkol sa Martial Law sa ilalim ng rehemeng Marcos.
Sa kanyang mensahe para sa 49th anniversary ng Martial Law declaration, sinabi ni Robredo na mabibigyan daan lamang ang ibang bersyon tungkol sa nangyari sa Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung pipiliing manahimik sa katotohanan.
Kailangan aniyang ulit-ulitin, sa bawat pagkakataon, ang katotohanan na nagdusa ang maraming tao noong nasa puwesto pa si Marcos.
Nabatid na mahigit 3,000 katao ang napatay ay nasa 33,000 naman ang pinakulong kahit walang arrest warrant noong Martial Law years na nagsimula noong 1972.
Ayon kay Robredo, hindi pa lubusang nababayaran ni Marcos ang mga krimen na nangyari sa termino nito ngayong patuloy pa rin aniyang ini-enjoy ng pamilya nito sa ngayon ang kanilang iligal na yaman.