-- Advertisements --

Pormal na sisimulan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang presidential campaign sa kanyang balwarte sa Camarines Sur.

Mag-iikot sina Robredo, kanyang running mate na si Senatro Francis Pangilinan at kanilang senatorial ticket sa Camarines Sur sa Pebrero 8, at sa Naga City naman para sa kanyang grand rally.

Napili niya na doon simulan ang kanyang presidential campain bilang pasasalamat at pampabuwenas na rin aniya.

Magugunita na noong 2016, nakakuha ng 663,855 votes sa Camarines Sur si Robredo nang tumakbo siya sa pagkabise-presidente.

Kung papalarin naman sa nalalapit na halalan, si Robredo na kung sakali ang kauna-unahang presidente na manggagaling sa Bicol Region, at ikatlong babaeng pangulo kasunod nina dating Pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.