-- Advertisements --

Ipinaalala ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng paglaban sa karapatang pantao, lalo na sa gitna ng krisis tulad ng COVID-19 pandemic.

Nitong Huwebes, December 10, ipinagdiwang ang International Human Rights Day kasabay ng ika-72 taong anibersaryo ng pag-adopt sa Universal Declaration of Human Rights.

“This is a reaffirmation of the common humanity that binds us all, and a renewal of our shared commitment to build a world where everyone is free and equal in dignity and rights.”

Ayon kay Robredo, hindi nagtatapos sa mga parangal at pagkilala ang pakikipaglaban para sa karapatang pantao.

Malaking responsibilidad daw ang kaakibat nito, lalo sa panahon ng krisis, kung saan mas hindi binibigyang pansin ang karapatan ng bawat indibidwal.

“This is a reaffirmation of the common humanity that binds us all, and a renewal of our shared commitment to build a world where everyone is free and equal in dignity and rights… (it) requires work and struggle for their full realization.”

“Fighting for the rights of the voiceless, the powerless, the unpopular, or even simply those on the other side of an increasingly vicious political divide, has never been more difficult, but also, never more critical.”

Naniniwala ang bise presidente na napagbubuklod ng pakikipaglaban sa karapatang pantao ang bawat isa.

Nagbubunga raw ito ng malasakit, pananagutan, at pakikipag-kapwa, na siyang susi umano sa “better normal.”

“Pulling together through the acknowledgment of the worth and dignity of every individual. As this year’s theme reminds us: We need to stand up for human rights if we are to recover better.”

“Nawa’y patuloy nating kilalanin, tangkilikin — at tuwing kinakailangan, ipaglaban— ang Karapatang Pantao ng bawat isa, sa araw-araw nating mga gawain.”