Nanguna si dating Vice President Leni Robredo na maging isang halimbawa sa kaniyang mga supporters noong nakaraang halalan na gawing produktibo na lamang ang kanilang pagkadismaya ng ito ay hindi magwagi sa pagkapangulo.
Sa paglunsad nito ng Angat Buhay Non-government organization isang araw sa pagtatapos ng kaniyang termino, sinabi nito na isang magandang uri ng platform ito para ituon na lamang ang pagiging matulungin.
Dagdag pa nito na hindi aniya maituturing na talo ang mga mamamayan na sumuporta sa kaniya dahil sa panahaon ng kampanya ay doon nagsimula ang tinatawag na boluntarismo.
Ang Angat Buhay NGO o Angat Pinas Inc. base sa Security Exchange Commission (SEC) ay magpapatuloy sa paglaban sa kahirapan at mga programa na nasimulan ni Robredo sa kaniyang pamumuno bilang bise presidente.
Maari aniyang magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng nasabing Angat Buhay app.