-- Advertisements --

Pagtugon sa sirang sistema ng gobyerno ang pangako ni Vice President Leni Robredo sa oras na manalo siya sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo ngayong halalan.

Ipinahayag ito ng bise presidente sa kanyang huling miting de avance ba ginanap sa lungsod ng Makati.

Sinimulan ni Robredo ang kaniyang talumpati sa isang paalala para sa lahat ng kaniyang mga tagasuporta hinggil sa kung anong mga dapat gawin at paghandaan para sa mismong araw ng eleksyon.

Kabilang sa mga ito ay ang pagpili ng matino, mahusay, at mapagkakatiwalaang mga kandidato, pagiging mapagmatyag sa anumang pangyayaring di pang karaniwan sa araw ng halalan, at ang kalayaan ng pagsusuot ng anumang kulay ng damit sa mga polling precinct.

Dito ay muli rin na inalala ni Robredo ang bawat pagsubok na kaniyang napagdaan mula pa noong maupo siya bilang bise presidente ng Pilipinas hanggang ngayon na tumatakbo siya sa pagkapangulo kung saan ay samu’t saring mga kasinungalingan umano ang ibinabato sa kanya at kaniyang buong pamilya.

Pag-amin niya, tanging pananalig lng daw ang kanyang pinanghawakan noong una ngunit hindi aniya siya sumuko’t nagduda dahil alam daw niya na walang makagigiba sa nagkakaisang lakas ng sambayanan.

Samantala, magugunita na sa pagta-tiyanta ng kanyang mga organizers na halos pumalo na sa 780,000 ang bilang ng mga tagasuportang dumalo sa huling campaign rally ni Robredo.