-- Advertisements --

Sa gitna ng mga ibinabatikong batikos, hindi rin sang-ayon si Vice President Leni Robredo na palitan sa pwesto o magpahinga muna si Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay VP Leni, hindi angkop na tanggalin sa pwesto si Duque, lalo na’t nasa gitna pa ng krisis na dulot na COVID-19 ang bansa.

“I’m not in favor of, parang roughly everything in the midst of it all kasi baka lalong maging sintunado iyong lahat na ginagawa natin.”

Pero kung may hiling man ang bise presidente, sana raw ay mas maging bukas ang Department of Health (DOH) sa mga suhestyon; paigtingin at baguhin din ang ilang polisiya para sa COVID-19 response.

“Unless he doesn’t want to listen, then it would be time for him to leave. Pero kung makinig naman sana siya sa suggestions, kung makinig sa criticisms, kung mas mag-aya—kung mas maging open for private sector help, iyong ano ba, iyong letting people that this is all our fight. Kasi iyon nga, parang walang sense iyong delay, eh.

“I understand DOH. They are overwhelmed with the enormity of what they are doing now. Hindi talaga nila kakayanin na sila lang. Iyong iba-ibang agencies parang may sense ako na parang still working in silos, parang iba iyong ginagawa nito, iba iyong ginagawa nito.”

Para kay VP Leni, isang lider na kayang magbigay ng agarang desisyon at remedyo ang kailangan para maayos na matugunan ang pandemic.

Bukod sa pagiging kalihim, si Duque ay chairman din ng Inter-Agency Task Force, na responsable sa pagbibigay ng mga rekomendasyon ng polisiya sa pangulo.