-- Advertisements --

Aminado si Robi Domingo na magkakahalo na ang kanyang nararamdaman sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa lalo’t kapwa doktor ang kanyang mga magulang.

Ayon sa 30-year-old TV host, may pangamba siya sa tuwing uuwi ang kanyang mga magulang dahil may posibilidad na “carrier” na ang mga ito ng deadly virus sa kanilang magkapatid.

Gayunman, proud son siya dahil kahit parehong senior citizen na ang mga magulang ay pinipili pa rin ng mga ito na magserbisyo sa front lines para makatulong sa paggamit sa mga tinamaan ng COVID-19.

“I have to be honest. This pandemic became personal to me and my family more just because my parents are both doctors. So every single time they go out of the house to treat patients, to fulfill their promise as doctors — it gives me that sense of fear. If they go home — and knock on wood — my brother and I get the virus, I mean I could survive. But you know, having them as seniors and having them as frontliners that make me so proud. But intertwined with that feeling is the sensibility and that fear,” saad nito sa isang panayam.

https://www.instagram.com/p/CDjQ5MCBSPN/

Kung maaalala, maraming doktor na rin sa Pilipinas ang nagpopositibo sa coronavirus at ilan sa mga ito ang tuluyang namamatay.

Si Robi o Robert Marion sa tunay na buhay ay dating boyfriend ng dating volleyball star na si Gretchen Ho at na-link din sa Korean pop star na si Sandara Park.