-- Advertisements --

CEBU CITY — Inaalam ng PNP ang motibo sa pagkamatay ng isang robbery suspect matapos itong tambangan ng di pa nakilalang mga lalaki kagabi sa may Sitio Superior, Brgy. Looc, sa lungsod ng Mandaue, Cebu.

Kinilala ang biktimang si Juvilyn Terante, 43-anyos, at isa sa kinilalang suspek sa pagnanakaw sa isang malaking mall sa Mandaue City noong nakaraang taon.

Ayon sa imbestigador na si Police Staff Sgt. Wilken Enricoso na kakalaya lang si Terante sa Mandaue City Jail matapos itong makapagpyansa sa kasong robbery kasama ang kasintahan nitong si Aileen Gilbero.

Sinabi ni Enricoso na biglang sumulpot ang isang van na walang plaka kung saan sakay ang dalawang di pa nakilalang gunmen at may dala itong baril at kinalaunan ay tinambangan nila si Terante.

Hindi makapaniwala, aniya, ang live-in partner na si Gilbero sa biglang pagkamatay ni Terrante kung saan nagkaroon umano ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Magsasagawa ng follow-up operation ang PNP upang malaman kung sino ang responsable sa pamamaril sa nasabing robbery suspect.

Isa si Terrante sa tinuturong suspek sa naganap na pagnanakaw sa loob ng J Center Mall noong October 2019 at nakulong ito kinalaunan.