CAUAYAN CITY- Pinangangambahan ngayon sa estado ng Indiana ang usap-usapang pagkakaroon ng riot sa November 3, 2020 kung kailan gaganapin ang mismong araw ng halalan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Anie Mae Bagain Talaga ng Indianapolis, Indiana,United States of America at tubong Naguilian, Isabela na may mga usap-usapan ngayon sa naturang estado na magkakaroon ng riot sa mismong araw ng halalan.
Sa katunayan ay may mga naitatala ng riot sa estado ng Indiana habang papalapit ang mismong araw ng halalan.
Ayon kay Talaga, isang Republican state ang Indiana pero marami ring sumusuporta sa Democrats kaya nagkakaroon ng halos araw-araw na kaguluhan na humantong pa sa pagkakasunog ng isang mall na malapit sa kanyang tinitirhan.
Aniya, walang pakialam sa mga pulis ang mga nagsasagawa ng riot kaya wala ring magawa ang mga awtoridad kundi manakit.