-- Advertisements --

Naungusan na ni Rihanna si Kylie Jenner sa pagiging youngest self-made woman billionaire sa US ng Forbes.

Base kasi sa listahan ng Forbes 2022 “America’s Richest Self-Made Women” ay nasa pang-21 ang 34-anyos na Barbadian singer.
Aabot aniya ang kaniyang net worth na $1.4 billion.

Dahil dito ay siya na ang may hawak ng youngest woman in US na sa Billionaires list sa edad na 40 pababa.

Karamihan sa mga kita ni Rihanna ay mula sa kaniyang cosmetic company na Fenty Beauty na kaniyang inilunsad noon pang 2017.

Si Jenner na naman may hawak dati ng titulo ay nasa pang-41 na mayroon ng ngayong net worth na $600 milyon.