-- Advertisements --

Isinilang na ni Rihanna ang unang anak nila ng partner na si A$AP Rocky.

Kinumpirma ito ng kampo ng dalawa subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.

Unang ibinunyag ng singer na nagdadalang-tao ito noong Enero.

Ang 34-anyos na si Rihanna at 33-anyos na si A$AP Rocky ay naging magkaibigan ng ilang taon bago ibinunyag na nagkakapalagayan na ng loob noong Mayo 2021.