-- Advertisements --

Sinimulan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang review nila sa application ng American pharmaceutical company na Moderna Inc. para sa emergency use authorization (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos na makumpirma na nagpasa na ng kanilang application ang Moderna para sa EUA kahapon.

Nauna nang inaprubahan ng FDA ang emergency use sa Pilipinas ng mga COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen, at Bharat Biotech.

Kamakailan lang, lumagda ang pamahalaan at private sector sa pangunguna ng business tycoon na si Enrique Razon sa isang tripartite agreement sa Moderna para sa 20 million doses ng kanilang COVID-19 vaccine.

sa ilalim ng naturang kasunduan, ang pamahalaan ang siyang makakatanggap ng 13 million doses habang 7 million naman ang mapupunta sa mga manggagawa sa private sector.