-- Advertisements --

Bigong makamit ng Breau of Internal Reveie (BIR) ang kanilang revenue target sa loob ng unang tatlong buwan ng taong ito.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ay matapos na pumalo sa P485.4 billion ang halaga ng koleksyon nakalap ng BIR sa unang bahagi ng taon, mas mababa ng P47.2 billion o 8.9% sa P532.6 billion ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ngunit bagamat nakitaan ng pagbaba sa kita sa unang quarter ay mas mataas pa rin naman ito ng P32.4 billion o 7.2% kumpara sa dating P452.9 billion na nakolekta naman ng ahensya noong taong 2021.

Samantala, iniulat naman ng kagawaran na nakapagtala rin sila ng Php 17.4 billion na shortfall sa VAT collection, at isa pang Php 9.4 billion sa income tax collections sa unang bahagi ng taon kumpara sa target na itinakda ng DBCC.

Paliwanag ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ang naturang kakulangan ay mula sa mga negosyong gumagamit ng kanilang input VAT credits sa mga pagbili na nasa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang BIR ay ang kagawarang inatasan na i-assess at kolektahin ang lahat ng national internal revenue taxes, fees, at charges, at gayudin ang pagpapatupad ng lahat ng mga forfeitures, parusa, at multang konektado dito kabilang na ang mga kasong napagpasyahan na pabor dito ng Court of Tax Appeals at iba pang mga ordinaryong korte.