-- Advertisements --

OFWs SaudiArabia
FILE PHOTO: Repatriated Overseas Filipino Workers or OFWs arrive at an airport after being allowed to go home following weeks of quarantine amid the spread of the coronavirus disease (COVID-19), in Pasay City, Metro Manila, Philippines May 26, 2020. REUTERS/Eloisa Lopez

Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapatuloy ng coverage ng COVID-19 test para sa returning overseas Filipino workers (OFWs) alinsunod sa Inter-agency Task Force (IATF) Resolution No. 168 series of 2022.

Nilinaw din ng Philhealth na ang modification ng priority groups para sa covid-19 testing base sa guidelines na itinakda ng Department of Health (DOH).

Kung saan babayaran ng state insurer ang RT-PCR test ng mga priority groups kabilang ang healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities kabilang ang mga nasa high risk para sa severe disease, mga indibidwal na may sintomas ng covid-19 at returning OFWs at Filipino nationals na edad 18 pataas.

Binigyang diin din ng Philhealth na hindi inirerekomenda ang covid-19 testing para sa screening ng asymptomatic individuals at para sa asymptomatic close contacts. Sa halip ay inirerekomenda ang symptom monitoring.

Kapag kakailanganin naman ang covid-19 testing ay dpat isagawa limang araw mula sa huling araw ng exposure.

Sasagutin din ng Philhealth ang covid-19 testing ng mga required na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa mailabas ang negatibong RT-PCR test na kinuha sa ikalimang araw mula sa araw ng pagdating ng returning OFWs sa bansa.

Ang mga miyebro at kanilang kwalipikadong dependents ay maaaring mag-avail ng covid-19 testing package sa anumang 230 accredited laboratories sa iba’t ibang lugar sa bansa.