Tiniyak ngayon ng Department of Justice (DoJ) na hindi masisira ang matibay na ebidensiya ng kinahaharap ng drug case nina Sen. Leila De Lima at driver nitong si Ronnie Palisoc Dayan ang pagbawi ng alegasyon ni dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos laban sa senadora.
Sa statement na inilabas ng DoJ, sinabi nitong “highly suspicious” at “questionable” ang pagbawi ni Rago sa kanyang alegasyon dahil ilang taon na rin ang nakaraan.
Sinabi ng DoJ na bahala na rin daw ang korte kung ikokonsidera nila ang sworn affidavits ni Ragos na may petsang September 5 at 26, 2016, March 2017.
Ang kanyang mga testimonya raw kasama na ang kanyang pahayag sa House Committee on Justice investigation ay posibleng makasira sa kanyang mga naunang testimonya.
Sumalang din umano ito sa extensive cross-examination sa mga isinagawang hearing sa Senado noong 2016 at tumestigo pa tion sa korte noong June 7, 14 at 28 noong 2019.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado noong 2016, sinabi ni Ragos na kasama niya ang kanyang aide na si Jovencio Ablen Jr., na naghatid ng P5 million na perang mula sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa bahay ni De Lima Parañaque City noong 2012.
Tumestigo rin ito at sinabing ang mga kickbacks ay nanggaling daw kay Peter Co at iba pang drug lords para suportahan ang kandidatura ni De Lima sa pagka-Senador noong 2013.