-- Advertisements --
Itinalaga ng Supreme Court (SC) bilang chancellor ng Philippine Judicial Academy (PhilJA) si retired Associate Justice Arturo Brion.
Ang PhilJA ang kinikilalang training at education arm ng hudikatura sa ating bansa.
Batay sa en banc notice na may petsang Mayo 11, 2021, papalitan ni Brion si Chancellor Adolfo Azcuna na magtatapos ang termino sa huling araw ng Mayo 2021.
Nabatid na ang PhilJA ay binuo sa bisa ng Republic Act 8557, upang magsilbing training school para sa mga mahistrado, huwes, court personnel, abogado at aspirants para sa judicial posts.
Sila rin ang bumabalangkas at nagpapa-iral ng curriculum para sa judicial education at nagsasagawa ng seminars at trainings, para mapalawak ang kaalaman ng mga nasa legal profession.