-- Advertisements --
Napili ni Pangulong Bongbong Marcos si retired police Brig. Gen. Roman Felix bilang kaniyang military affairs adviser.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, si Felix ay magsisilbi bilang Secretary of the Office of the Presidential Adviser on Military Affairs (OPAMA).
Si Felix ay una nang nanungkulan sa iba pang offices at units ng PNP sa regional at national headquarters kung saan kabilang sa hinawakan nito ay ang posisyon bilang director ng Ilocos Norte police at director ng Philippine National Police Region 1.
Miyembro din si Felix ng Philippine Military Academy (PMA) Matikas Class of 1983.
Isa din itong lisensyado at well-trained helicopter pilot.