Lalo pang tumaas ang bilang ng mga US veterans na nagpositibo sa coronavirus. Mula sa 204 ay umakyat na ito sa 296 ngayong araw.

Naghahanda na rin ang U.S. Department of Veteran Affairs na patuloy pang dadami ang bilang ng mga pasyente. Dahil dito ay nanawagan na ang VA ng karagdagang health care workers at staff medical facilities.

Nakiusap rin ito sa mga retiradong VA at federal health care workers na bumalik sa serbisyo para tumulong sa pagkalat ng coronavirus pandemic sa estado.

Ang naturang apela ng VA ay kasunod ng ianunsyo ni Secretary Robert Wilkie na inihahanda na ng kanilang ahensya ang pagpapadala sa 3,000 medical staff para tumulong sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ngunit marami ang nangangamba sa naturang plano ng VA. Karamihan daw kasi sa mga retired health care workers ay may edad na at madaling kakapitan ng virus kung sakali.