-- Advertisements --
image 379

Muling magbabalik sa ring si World Boxing Champion Floyd Mayweather Jr, para sa isang exhibition match.

Makakalaban nito ang anak ng isang notorius na crime boss sa New York na si John Gotti III.

Si Gotti ay isang dating MMA fighter na may 5 win, 1 loss record.

Matapos ang huli nitong pagkatalo sa MMA noong 2020, pinasok nito ang boxing. Sa kasalukuyan ay 2win, 0 loss ang nasabing boxer.

Gaganapin ang pagtutuos ng dalawa sa South Florida, sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Matatandaang una nang nagretiro si Mayweather mula sa Professional boxing, sa kanyang 50 – 0 win-loss record.

Gayonpaman, mula nang nagretiro ito, pumayag siyang sumali sa mga exhibition matches, kasama ang mga mas batang boksingero.