-- Advertisements --

Ikinasal ng retired astronaut na si Edwin “Buzz” Aldrin sa kaniyang “longtime love” na si Anca Faur.

Isinabay ng ikalawang tao na nakatapak sa buwan noong 1969 ang pagpapakasal sa kaniyang ika-93 kaarawan.

Sa kaniyang social media account ay masaya nitong inanunsiyo ang pagpapakasal at nagpost ng mga larawan.

Pinasalamatan niya ang mga fans na bumati sa kaniyang kaarawan at ang pagpapakasal.

Noong Hulyo 1969 kasama nito si Neil Armstrong bilang commander at Michael Collins lulan ng Apollo 11 ng sila ay nakatapak buwan.

Umabot sa apat na araw ang pagbiyahe nila sa halos 250,000 milya na layo.

Nagtagal sila ng halos 15 minuto sa ibabaw ng buwan kung saan nagtayo pa sila ng bandila ng US.