Iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal ang pagtaas ng presyo sa mga retail store sa Metro Manila sa buwan ng Setyembre.
Ang mga presyo sa National Capital Region (NCR), na sinusukat ng general retail price index (GRPI), ay tumaas ng 3.6 porsyento year-on-year na kung saan bumaba mula sa 3.9 porsyento noong Agosto at 5.9 porsyento kumpara sa nakaraang taon.
Ayon sa PSA, ito ang pinakamababang pagbasa mula noong Mayo 2022, kung saan ang general retail price index ay nasa 4.1 porsyento.
Ang pangunahing nag-ambag sa deceleration ay ang mas mabagal na pagtaas na naitala sa heavily-weighted food index, na lumago ng 6.2 percent mula sa 6.9 percent noong Agosto 2023.
Bilang karagdagan, ang mas mababang mga mark-up ay naobserbahan sa iba pang mga kalakal sa parehong panahon.
Gayunpaman, ang pinakahuling tala ng index ay sumalungat sa September inflation report ng PSA, na nagpakita ng mas mabilis na rate ng pagtaas ng presyo ng consumer sa Metro Manila.
Ang inflation rate kasi sa Metro Manila ay tumaas sa 6.1 percent mula sa 5.9 percent noong nakaraang buwan.