NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang retired Philippine Army matapos makunan ng mga baril ng Criminal Investigation and Detection Group- Camarines Sur sa Zone1 Brgy Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Edgar Pedido, 59-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nahuli ang suspek kung saan nakumpiska rito ang pito iba’t ibang uri ng barilm mga magazine at bala para sa iba’t ibang baril.

Kasama sa mga nakumpiska ang isang 12 gauge shotgun, caliber 45, Cal. 38 revolver, Cal. 25 revolver , dalawang unit ng airgun.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.