Inaabangan na ngayon ang paglalabas ng New Bilibid Prison (NBP) superintendent ng resulta ng imbestigahan sa sinasabing koneksiyon ng gunman na pumatay kay Percy Lapid sa hindi pa nakikilalang inmate ng Pambansang Piitan.
Kasunod na rin ito ng utos ng Bureau of Corrections (BuCor) na imbestigahan ng NBP superintendent na imbestigahan ang insidente.
Sa statement na inilabas ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, dapat kahapon ay ay nakapagsumite ang NBP Superintendent ng report kaugnay rito.
Kasabay nito, muli namang tiniyak ng BuCor na kaisa sila ng mga otoridad sa paghahanap ng katotohanan.
Layon daw ng NBP na mapigilan ang mga convicted criminals na hindi masangkot sa mga ganitong gawain lalo na sa malayang lipunan.
Ani Chaclag, maling-mali sa lahat ng anggulo na isang bilanggo ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kasabwat para makapagsagawa ng karahasan sa labas ng piitan.
Hindi raw kukunsintihin ng BuCor ang ang mga ganitong gawain at bukas sila sa mga imbestigasyon.