BUTUAN CITY- Pinagsisikapan ngayon ng National Adjudication Board ng Philippine National Police (PNP) na matapos sa itinakda nilang deadline ngayon Marso-7 ang ginawang validaition at adjudication sa 357 pulis na nasali sa kanilang drug watch list.
Sa pagharap sa media men dito sa lungsod nang Butuan inihayag ni PNP Chief Director General Archie Francisco Gamboa na pinagsisikapan nila sa kanilang commend conference ngayong Martes.
Marso 3 ay kanilang maipresenta ang resulta ng adjudication at validation kay Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa ng Board sa pangunguna ni PLGen Camilo Cascolan.
Napaloob umano nito ang rekomendasyon na nakatakdang i-review ng kalihim ng sa Department of Interior and Local Governmen (DILG) bilang chairman ng National Police Commission (NAPOLCOM) bago i-endurso kay Pangulong Duterte.
Nasa pangulo na rin umano ang desisyon kung susundin niya o hindi ang naturang rekomendasyon .