-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang resource person sa Senado, ayon kay Sen. Pia Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na nagpositibo sa naturang sakit ang nasabing resource person sa isinagawang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test na inoobliga sa lahat ng mga resource persons na pumapasok sa Senado.

Magugunita na noong Marso, isang resource person sa Senado ang napabalitang nagpositibo rin sa COVID-19.

Ito ang siyang naging dahilan para isailalim sa lockdown ang Seando.