-- Advertisements --
Bumaha ng luha ang dapat sana’y masayang pagdiriwang ng Pasko sa bahagi ng San Andres, Maynila matapos tupukin ng apoy ang ilang kabahayan sa kahabaan ng Estrada Street.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na pumutok ilang minuto bago sumapit ang ala-1:00 ng hapon kanina.
Sa ngayon inaalam pa ng Manila Fire Department ang kabuuang halaga ng mga naabong gamit at bahay, pati na ang sanhi ng sunog.
Ito na ang ikatlong ng sunog kasabay ng Araw ng Pasko.
Una ay sa Sta. Mesa, Maynila kagabi; na sinundan ng fire incident sa Cebu City kung saan isa ang patay nitong madaling araw.