-- Advertisements --
Department of Human Settlements and Urban Development

Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na binubuo na ang resettlement plan para sa Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Project.

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar na kasama sa proyekto ang pagbuo ng 25 hectares property sa lugar at ang rehabilitasyon ng Pasig River.

Inihayag din ng nasabing departamento ang mga plano para sa isang commercial na promenade deck sa tabi ng ilog, isang Central Park malapit sa Laguna de Bay, at mga outpost project malapit sa North Harbor.

Nakipagtulungan din ang Department of Human Settlements and Urban Development sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa mga pag-apruba at rekomendasyon sa pagpapanatili ng masining at makasaysayang Ilog Pasig.

Ayon kay Acuzar, hindi maaaring development lamang ang isinasaalang alang, dapat aniya ay intindihin din ang mahalagang history ng naturang Ilog.

Kung matatandaan, isang Inter-Agency Council for Pasig River Urban Development ang binuo sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 35.

Isinaad ng EO na ang inter-agency council ang mananagot sa pag-facilitate at pagtiyak ng buong rehabilitasyon ng mga bangko sa kahabaan ng Pasig River at mga kalapit na water system.