-- Advertisements --
download 3

Bumaba pa ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa pagtatapos ng Setyembre sa gitna ng pagbaba ng halaga ng ginto sa pandaigdigang merkado at pagbabayad ng ilang panlabas na utan ng pamahalaan.

Batay sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumalabas na ang gross international reserves (GIR) na isang indicator ng kakayahang bayaran ang import payments at service foreign debt ay nasa $98.7 billion, bumaba ito mula sa $99.6 billion naitala noong Agosto.

Ito ang pinakamababang reserba sa nakalipas na 7 buwan simula noong Pebrero 2023 na nakapagtala ng $98.21 billion.

Ang central bank ang siyang namamahala ng reserbang assets ng bansa kabilang ang foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund at special drawing rights.