Prayoridad ngayon sa lalawigan ng Pampanga na kumpletuhin ang rescue at relief operations sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon kahapon.

Sinabi ni Pampanga Rep. at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nakatuon ang kanilang atensyon sa pagbigay ng atensyong medical at funeral assistance ang mga biktima ng malakas na pagyanig.

“We are in the rescue and relief stage right now,” ani Arroyo.

Wala pa aniya silang panahon sa ngayon para sa “blame tossing” o manisi at panagutin ang mga responsableng opisyal partikular na sa bayan ng Porac kung saan gumuho ang Chuzon Supermarket.

Para sa kongresista, mas naka-focus din sila ngayon sa pagpapakain sa mga biktimang nagugutom.