
Magdaraos ng isang requiem mass (misa para sa mga patay) para sa yumaong dating Pope Benedict XVI sa Minor Basilica ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila sa araw ng Biyernes Enero 6 sa oras na alas-5 ng hapon.
Papangunahan nina Papal nuncio Archbishop Charles John Brown at Manila Archbishop Jose Cradinal Advincula ang sagradong misa para sa yumaong Pope Emeritus.
Sa inilabas na circular, hinihimok ng Manila Archdiocese ang miyembro ng clergy at religious groups na makiisa sa nasabing misa para ipagdasal ang eternal repose ng kaluluwa ni Pope Emeritus Benedict XVI.
Bukas, Enero 5 dakong alas-9 ng umaga , oras sa Roma, magsisimuala ang funeral at burial ceremonies para kay Pope Benedict XVI na papangunahan ni Pope Francis sa may Saint Peter’s Square sa Vatican.










