Sasagutin ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mga labi ng isang Pilipinong abogado na namatay sa gun attack sa Philadelphia.
Ayon kay Leah Bustamante Laylo, ina nang biktima na nakatakdang ilipad pabalik ang mga labi ng abogadong si John Albert “Jal” Laylo sa susunod na linggo.
Aniya, marami na ang naghihintay sa kanila sa Pilipinas, mgha pamilya nila at kaibigan ng kaniyang anak.
Nanawagan si Leah sa mga awtoridad ng US na dalhin ang salarin sa hustisya.
Sinabi naman ng pulisya ng Philadelphia na ang pamamaril ay maaaring isang kaso ng mistaken identity.
Magugunitang, si John ay nakasakay sa isang Uber kasama ang kanyang ina upang habulin ang flight papuntang Chicago nang siya ay pagbabarilin noong Sabado.
Dadalawin sana niya ang puntod ng kanyang lolo.
Napag-alaman na pinaulanan ng 15 bala ang sinasakyang Uber ng mag-ina.