-- Advertisements --
OWWA

Inaasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang repatriation o commercial flights pauwi ng Pilipinas ng mga inilikas na 340 Pilipino mula sa Sudan.

Ayon kay OWWA administrator Arnell ignacio na ligtas na nailikas ang mga Pilipino palabas ng Sudan patungo sa Cairo, Egypt kung nasaan ang Embahada ng Pilipinas.

Inihayag din ng OWWA official na ang bawat Filipino evacuee kabilang ang mga estudyante ay makakatanggap ng $250.

Una ng nangako ang gobyerno ng Pilipinas na magbibigay ito ng tulong pinansiyal sa lahat ng mga Pilipino na naapektuhan ng kaguluhan doon sa Sudan.

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula sa sumiklab ang labanan sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary forces sa khartoum, kabisera ng Sudan at sentro ng kaguluhan sa kabila pa ng pinalawig na ceasefire na nakatakdang magpaso sa Linggo.

Batay sa health ministry, umaabot na sa 528 katao ang napatay habang nasa 4,600 naman ang nasugatan sa labanan sa Sudan.